LaKas maGpuYat | LaKas maGkaPe | LaKas TumaWa | LaKas cHuMika | LaKas kUmaiN | LaKas ma-iN LoVe | LaKas TumiLi | LaKas suMuNtok | LaKas maNg-aSaR | LaKas-TaMa | hiNdi LaNg paMpaMiLya, paNg-bakLa pa! LaKas!!!

Proud ETC addict!  Lee Dong Gun Fanlisting Site

[ want a blinky? ]
[ more blinkies! ]

   Ang mga nilalaman ng blog na ito ay solong pag-aari ng may-akda (bukod na lang kung sinabi niyang hindi...) at mahigpit na ipinagbabawal ang pagkopya, pamimirata at paggamit ng mga ito sa ibang paraan.

   Pero kung ayaw niyong papigil... bahala kayo. Meron naman tayong tinatawag na KARMA!

04.10.05


Ngayon ko na-realize... tumatanda na pala ako. Hindi na ako batang walang ibang inaalala kung hindi ang sarili ko. At malungkot ako dahil unti-unti na akong tumatanda.

[ as of 05.20.05, 3:39p ]

@ Asar ako dahil... Sira ang PC ko!!! ARGH! I knew that ancient artifact was about to give up one of these days!!! Tigang ako sa internet! DOUBLE ARGH!

@ Currently addicted to... ABS-CBN's Stained Glass. See latest post (May 05: Job hunting) for details. Ang guwapo kasi ni Dong Gun Oppa talaga!!!

@ Kras kong ilegal si... John Vladimir Manalo ng Goin' Bulilit. Need I explain kung bakit "ilegal" ang pagka-kras ko dito???

@ Latest hobby... Researching about Seoul, Korea and learning how to speak in Korean for a fan fiction I'm writing entitled "Cloudy Eyed Girl."

@ Plug lang... Michael Cruz' Official Site is now online! Check it out!


Powered by tag-board.com
Name

URL or Email

Messages(smilies)

April 2004
May 2004
June 2004
July 2004
August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
September 2005

my sites
cybervhong
rockidolmikecruz

Tell us here! Join our Mike-loving crew and jam with us!

Subscribe to rockidolmikecruz
Powered by groups.yahoo.com

my faves
mikesterz community
abs-cbn kapamilya
lee dong gun official site
kwon sang woo official site
pinoyexchange
peyups
queer eye for the straight guy
friendster
happy tree friends
blogspot

Just heard this song and saw its music video, thanks to Mikester Mitzi (Michi). I'm really tripping over Lee Dong Gun Oppa! Perfect rendition! I LOVE it!

Image hosted by Photobucket.com

And I love you so
Lee Dong Gun
(originally done by Perry Como)

And I love you so
The people ask me how
How I've lived 'til now
I tell them I don't know

I guess they understand
How lonely life has been
But life began again
The day you took my hand

And yes I know, 
how lonely life can be
The shadows follow me 
And the night won't set me free
But I don't let 
the evening get me down
Now that you're around me

And yes I know, 
how lonely life can be
The shadows follow me 
And the night won't set me free
But I don't let 
the evening get me down
Now that you're around me

GADGETS

magic sing!!! | an iPod! | mini mp3 player | SONY discman | 5 megapixel digicam with firewire | a new cellphone with hi-res camera | a new PC monitor and keyboard set

MUSIC STUFF

Beatles Album Collection | Michael Jackson's HIStory | Eraserheads Anthology | The Calling's 1st and 2nd album | a new guitar | Sugarfree's Dramachine

BOOKS

Angels & Demons by Dan Brown | Five People You Meet in Heaven by Mitch Albom | Pugad Baboy 1-17 by Pol Medina (complete collection) | Secrets of the Code (Guide to reading The Da Vinci Code) | Like Water for Chocolate by Laura Esquivel

VCDs

Will & Grace Seasons 1-7 | Queer Eye for the Straight Guy | My Boyfriend is Type B (Korea)


click on the thumbnails to view the actual pictures... you can also leave your comments!

[ as of 05.05.05 ]

.songs in my head.
>> and i love you so - lee dong gun (oppa!)
>> love moves in mysterious ways - nina
>> now and forever - richard marx

.addictions.
>> Stained Glass (Korea) Lee Dong Gun | Kim Ha Neul
>> coffee (pa rin! may pinagbago ba? adik 'to!)
>> KR movies/dramas!

.crushes.
>> Lee Dong Gun Oppa!
>> Kwon Sang Woo Oppa!
>> John Vladimir Manalo of Goin' Bulilit (at talaga naman!!!)

.most abused words.
>> sarang hae yo!
>> oppa
>> charos!!!

.must-haves.
>> money! money! money!
>> a nice big hug everyday
>> jowa (hahaha! as if!)

.must-do's.
>> get a new job
>> layout Michael's poster
>> learn to speak Korean

"Alam kong hindi niya kasalanang magmahal ng iba, pero sana hindi ka niya sinasaktan." - text ni Beb (02.01.05)

* Monday, November 1 *

An interview with myself...

Usually, pag wala akong makausap (hindi dahil wala akong kasama pero dahil ayaw na nila akong kausapin dahil magulo raw ako), kinakausap ko ang sarili ko. O... wag kayong matakot. Kayo rin naman, I'm sure dumating na sa puntong kinausap niyo ang sarili niyo. Ako nga lang, medyo madalas. Madaldal kasi ako eh... kita niyo, pati 'tong blog ko, kehahaba ng mga pino-post ko.

One day, I decided, bakit hindi ko interview-hin ang sarili ko at i-post ko sa blog ko? Para maiba naman sa mga survey na lagi kong pino-post. Eion... so heto na ang interview ko sa sarili ko. Sana makilala niyo pa ako nang husto.

***

What were you like when you were a kid?

Ay, sobrang makulit ako. Very playful. I can say na na-enjoy ko ang kabataan ko kasi nakapaglaro ako ng jackstone, Chinese garter, ten-twenty, teks, watusi, agawan-base, taguan, lutu-lutuan at napakarami pa. Biruin mo, halos lahat pa ng mga kalaro ko noon, lalaki... kaya habang lumalaki ako, boyish ang dating ko. Para in ako sa grupo ng mga taong kasama ko. Short haircut, laging marungis... kotse-kotsehan ang gusto at hindi Barbie.

Na-outgrow ko yung boyishness ko late na. Highschool na nga yata. Kasi naalala ko late elementary ko hinahabol ko yung kalaro kong lalaki dahil gusto kong suntukin. Ganun ako ka-brutal nung bata. Well... hanggang ngayon din naman talagang koboy ako. Basta may suntukan, hindi ko uurungan basta alam kong may katwiran ako.

Hindi ka naman nagka-black-eye nung bata ka pa?

Hindi naman. Pasa-pasa oo. Pero sasabihin ko sa iyo proudly na mas maraming pasa yung nakaaway ko.

Ano'ng pinakamalaki o pinakamabigat na pressure sa iyo nung bata ka pa?

Maging top one lagi sa klase. Yun talaga. Hindi naman sa pagyayabang pero ang hirap pala pag nagsimula kang magaling... ie-expect talaga ng mga magulang mo na all the way magaling ka. Kaya nung medyo dumating ako sa Grade 2 tapos nasadsad ako sa top two, top three, sobrang nangangatog na ako niyan pag araw ng distribution of cards. Very particular kasi ang parents ko sa grades ko...

Hanggang sa dumating ako sa Grade 6, talagang tutok sila sa pag-aaral ko. Anyway, kahit hindi na ako top one nung mga panahong iyon, hindi naman ako nawala sa top ten. Happy rin ako sa pagpapalaki sa akin ng parents ko, kasi nagkaroon ako ng determinasyon talaga tsaka competition sa katawan. It was a good thing.

What did your parents do if you didn't get good grades?

Naku, siyempre katakut-takot na sermon yan. Kesyo bakit ang baba ko sa isang subject, hindi raw ba ako nag-aral. Yung mga ganun. Pero hanggang ganun lang naman.

What was your biggest challenge naman nung High School?

To belong. I desperately wanted to belong and get the approval of my classmates. Transferee kasi ako nun... and sobrang snobbish ng school na pinasukan ko. St. Scholastica ba naman... eh alam mong mga sosyal ang mga nag-aaral diyan. Sino ba naman ako... eh uhuging-bata akong lumaki. Jologs na jologs kumbaga.

My first two years in High School was like living through hell. I had bad grades, didn't have a barkada... nasanay kasi akong may barkada nung elementary. I had friends, true ones, pero basta... kakaiba yung feeling. Parang laging may nakatingin sa iyo tapos hinihintay kang gumawa ng mali, tapos tatawanan ka nila. Yung ganun.

So paano ka naka-blend in?

Somehow the High School Dance Club was a big help. Sobra. Ang sarap sumayaw, at the same time, may mga bago akong nakilalang tao. One eventually became my kabarkada, si Belle... tapos nakakatuwa when I hear comments na nagagalingan sila sa akin sumayaw. Pag may nagchi-cheer sa akin habang nasa stage. Grabe... para akong lumilipad nun.

All-girls school yung St. Scho... have you ever been attracted to girls?

Kahit naman yung elementary school ko, all-girls. Tsaka hello... sabihin bang hindi? Siyempre na-attract ako sa mga babae... kasi lagi mong nakikita eh diba? I would like to believe that it is a phase na dinadaanan ng lahat ng mga babae, lalo na yung mga nasa all-girls school. Pero nalampasan ko naman yun. Sumobra nga ako sa paglampas eh, naging bakla na ako.

Nanligaw ka ba ng babae... ever?

Hmmm... I would like to think na hindi.

Nyek. Meron bang ganun? Expound.

Ewan ko... kasi hindi naman ako namigay ng kung anu-ano... I never dated a girl, asked a girl out or something. Hanggang tingin lang ako tsaka friendly conversations. Pero ganun lang. Kung lalaki nga ako, torpe ako.

When did you finally get over the "tendency"?

High School na.

Have you ever wished you studied in a CoEd school?

Dati oo. Pero pag naiisip ko ngayon, thankful ako na hindi.

Bakit?

Kasi feeling ko kung nag-CoEd school ako, nagka-boyfriend ako ng maaga. Feeling ko lang ha? Wag magtaas ng kilay! Eh... ako pag nagmahal todo... baka napariwara ako sa pag-aaral ko. Yun lang.

How did you discover your penchant for writing?

Hindi ko na ma-pinpoint kung saang parte ng buhay ko pumasok yun, pero ang alam ko, I started writing like crazy nung Grade 3 ako. Nagka-chicken pox ako nun, tapos yun lang ang libangan ko sa kuwarto. Hindi ako puwedeng lumabas ng kuwarto kasi yung little sister ko raw baka mahawa. Ayun, awa ng Diyos, nahawa rin siya. Hahaha!

So simula nun, nagsusulat ka na ng mga chuva?

Yup. Pero chika pa ang tawag noon sa chuva.

Ilan na ang nasulat mo?

Wag nga tayong magbilangan. Konyatan kita eh. Marami na!

Which is your favorite sa mga naisulat mo?

Marami rin eh. Yung mahahaba kong naisulat. Kasi natutuwa ako pag nakikita kong nagdedevelop yung mga character na ginagawa ko. Parang ako na kasi sila. I grow with them, I see them in their best and worst. Nakiki-iyak ako sa kanila, lumalaban... yung ganun.

Do you feel that your works are reflections of your life?

Yes, somehow. Ganun naman dapat lagi eh, diba? If you write something, you should know something about it. And ano pa nga ba ang pinaka-alam ko sa mundo kundi ang sarili kong buhay at sarili kong emosyon... diba?

Break muna tayo... nagugutom na ako eh. Next post uli... ikukuwento ko naman sa iyo ang college life kong puno ng angst, adventure, luha at dyaryo!!!


brewed and stirred by the addict @3:38 PM